[84] Ito na ang Oras

316 8 2
                                    

[84] Ito na ang Oras
Inaalay ko sa: pangarap kong muntik nang maabot. Pinasa ko 'to for application sa school publication namin. Hindi lang umabot sa screening. Hanggang ngayon, nakakapanghinayang pa rin. :<

Sabihin mo na ang gusto mong sabihin.
Ito na ang oras para ikaw ay umamin.
Katulad ng iba'y magmahal ka rin nang totoo.
Ito na ang oras para pagbigyan ang iyong puso.

Puntahan mo ang mga lugar na gusto mong puntahan.
Ito na ang oras para isipin ang sariling kasiyahan.
Isa itong panibagong pahina ng iyong buhay.
Ito na ang oras para magsimula ng paglalakbay.

Iparamdam mo ang 'yong damdamin sa isang kanta.
Ito na ang oras para iparinig ang sarili mong musika.
Tama na ang pagpapaalipin sa nakaraan.
Ito na ang oras para kumawala sa kalungkutan.

Ipahayag mo ang iyong sarili sa pagsusulat.
Ito na ang oras para gamitin ang 'yong panulat.
H'wag kang matakot na magbahagi ng talento.
Ito na ang oras para makilala ka ng mundo.

Itigil na ang ginagawang pagmumukmok.
Tumayo ka't umalis na riyan sa sulok.
Ngumiti ka nang aabot sa 'yong mga mata.
Ito na ang oras mo para maging masaya.

August 16, 2017
Ako'y Tutula by Darloine

Darloine: Naka-dedicate rin 'tong part 84 kay harlequincross. Dahil alam niya ang kuwento sa likod nito. Chismosa kasi. Hahahaha.

P.S. Mila, sa 'yo na lang 'yong papel na pinagsulatan ko nito ha? Dagdag-kalat. Pangit pa ang sulat-kamay. Lol. Pero wala kang choice kundi tanggapin. Yay!

Update: 09/11/2017
Kasama na ang tulang ito sa koleksyong 'Santasang Tula ng poetspubphilippines. Siguro, para rito talaga ang tula kong ito. :)

Suportahan din sana natin ang goal nila na pagsama-samahin ang mga Pinoy para maipahayag ang sarili sa pamamagitan ng isang tula. Wala namang mawawala. :D

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now