[12] Pangarap

790 9 0
                                    

[12] Pangarap

Inaalay ko sa: lahat ng may pangarap sa buhay at hindi nawawalan ng pag-asa na maaabot niya ito balang araw. :)

"Anong gusto mong maging paglaki mo?"

mula pagkabata ay ito na ang itinatanong sa 'yo.

Noon ay ayos lang ang kahit ano para lang may masabi,

ngunit ngayon ay alam mo na ang gusto mo para sa sarili.

"Gusto kong maging teacher para makapagturo rin ako sa mga bata."

"Ako naman doktor para magamot ko ang mga maysakit sa bansa."

"Magreresolba ako ng mga kaso, pangarap kong maging abogado."

"Itatayo ko ang dream house ko, gusto kong maging inhinyero."

Nakabatay nga ba ang kahahantungan ng pangarap sa guhit ng palad

o nakadepende ito sa kagustuhan ng nangangarap para makausad?

Alin man sa dalawa ay nasa tao palagi ang desisyon.

Ang inaasam na pangarap ay makukuha basta't may inspirasyon...

"Ang lahat ng makakamit ko'y inaalay ko sa aking minamahal."

"Sa mga magulang ko ang matatanggap kong parangal."

"Para sa pamilya ko ang lahat ng ginagawa kong sakripisyo."

"Gagawin ko ang lahat para may mapatunayan ako sa sarili ko."

Lahat ay may inaasam na pangarap at may kanya-kanyang paraan

at lahat ng mga pangyayari at pagsubok sa buhay ay may dahilan.

Ano man ang mapili mo para sa gusto mong maabot

ay ikaw lang ang nakaaalam dahil nasa iyo palagi ang sagot.

November 11, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now