[68] Balita

244 6 0
                                    

[68] Balita

Inaalay ko sa: mga balita araw-araw.

Tuwang-tuwa sila para sa 'yo ngayon, Inang Bayan

dahil isang kababayan ang nabigyan ng karangalan.

Ngunit kinabukasan, sa iyo na naman ay nangingilag.

Malubha mong sakit ang dahilan ng kalagayang kahabag-habag.

Sa iyo'y hirap na ang karamihan na maniwala

na kaya mong makipagsabayang muli sa ibang bansa.

Paano'y nawalan na sila ng pag-asang malulunasan

ang sakit mo upang maaninag ang magandang kinabukasan.

Mayroon na naman kasing naging biktima

ng isang tusong driver na mapagsamantala

at marami pa rin ang itinuturing na trabaho

ang panloloko ng kapwa niya Pilipino.

Patuloy ang pag-igting ng tensyon

sa mga protesta at isyu ng demolisyon.

Katulad pa rin ng dati'y magulo pa rin ang politika

at walang katapusan ang listahan ng mga sangkot sa droga.

Libu-libong tao sa lupain mo'y abala sa paghahanapbuhay

at marami pa rin dito ang araw-araw na namamatay.

Parang ganito rin ang mga balitang nasaksihan ko kahapon,

iba lang ang mga detalye at mga taong sangkot ngayon.

June 16, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now