[25] Facebook

439 7 4
                                    

[25] Facebook

Dedicated to: all Filipino Facebook users. English ang title at dedication pero Taglish ang nilalaman. Trip ko lang, para sumaya naman ako. :D

Pagkagising sa umaga ay cellphone kaagad ang kaharap

kahit na ang mga mata'y unti-unti pang kumukurap.

Wala na munang pakialamanan kahit na may muta pa

basta ang mahalaga'y makasagap muli ng tsismis este balita.

Post, tag, like, comment, share, join, leave ang drama

ng isang aktibong Facebook user ngayong umaga.

Mula almusal hanggang sa hapunan,

cellphone niya'y 'di mabitaw-bitawan.

Pero hindi naman lahat ng Facebook users ay ganoon

dahil mayroon ding sumasagap ng mga balitang napapanahon,

mga tambay sa isang partikular na page o group na puno ng usapan

tungkol sa mga bagay-bagay na mayroong kabuluhan.

Marami ang nagrereklamo sa tuwing sila'y pinakikialaman

tungkol sa kanilang gawain na bunga ng kanilang kalayaan.

Katwiran nila'y ang Facebook ay ginawa naman para sa lahat,

para sa mga may trabaho o wala at kahit na sa matataba at payat.

Ayon sa mga eksperto, ang paggamit nito ay may limitasyon

dahil baka ito'y makasanayan na sa mga susunod pang panahon.

Ang oras na ginugugol dito'y maaaring magdulot ng pagsisisi

lalo na kung masama na ang epekto dahil wala ng disiplina sa sarili...

November 25, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now