[17] Pamana

402 6 1
                                    

[17] Pamana

Inaalay ko sa mga: taong magbibigay rin balang araw ng kanilang sariling pamana sa mga taong mahalaga sa kaniya.

Noong unang panahon,

isang pamana ang edukasyon.

Dito ay walang sinumang makaaagaw

'pagkat ito'y habang buhay na magiging tanglaw.

Sa pamamagitan nito'y mahuhubog ang mga talento

at mahahasa pa ng husto ang taglay na talino.

Isang kayamanan na ipapasa pang muli sa susunod na henerasyon

ng mga kabataan hanggang sa mga darating pang mga taon.

Ngayon naman ang pamana'y sumabay na rin sa uso,

lahat ng ibibigay ay nararapat lang na moderno.

Pera, gadgets, alahas, damit at kung anu-ano pang nahahawakan,

ang ipinagkakaloob sa kanya-kanyang pinamamanahan.

Ano na nga ba ang salitang pamana ngayon

na dati'y walang iba kundi ang edukasyon?

Dati'y ito ang palaging gustong ibigay ng mga magulang

sa kanilang mga anak na may kaakibat pang turo ng paggalang.

Sabi nila'y bukod dito ay wala na silang ibang maibibigay,

ngunit para sa akin ito'y sapat na para magamit habang nabubuhay.

Hindi ba't mas maganda namang pamana ang edukasyon

kaysa sa mga materyal na siyang kinahuhumalingan ngayon?

November 16, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now