[8] Iwan mo muna ako

610 13 2
                                    

[8] Iwan mo muna ako

Inaalay ko sa mga: taong makare-relate sa tulang ito. (:

Ilang beses ko bang kailangang iparamdam sa 'yo,

na ayaw kitang kausap kaya iwan mo muna ako.

Sa ngayon ay gusto ko munang mapag-isa,

kahit isang tao'y ayaw ko ring makakita.

Kung mukha man akong gising na nananaginip,

ay h'wag mo nang pakialaman dahil ako'y nag-iisip.

H'wag ka nang magpumilit na ako ay kausapin,

pakiusap ko sana'y iyo namang gawin.

Babalaan ulit kita na h'wag ka nang mangulit,

dahil sinisiguro ko sa 'yong leeg mo'y ipipilipit.

Sa pangalawang pagkakataon ay sasabihin kong muli sa 'yo,

utang na loob makinig ka naman, iwan mo muna ako.

Dahil nais ko munang makaalis sa totoong mundo.

Gusto ko munang makatuklas at makagawa ng mga kuwento.

Doon sa malayong lugar ay gusto kong maglakbay,

matuto, makaranas at makaramdam ng ibang "laro ng buhay".

Siguro naman ngayon ako ay iyo nang naiintindihan,

kaya ang pakiusap ko sana'y iyong nang pagbigyan.

Iwan mo po muna ako saglit.

Promise, hindi po ako galit.

November 8, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now