[21] Hikab (Isang pagkukuwento)

376 5 0
                                    

[21] Hikab (Isang pagkukuwento)

Inaalay ko pa rin sa: paborito kong antok dahil hindi niya ako nilubayan buong linggo (Hanggang ngayon na tina-type ko 'to, pumipikit-pikit na ako. Lol). Hindi ko na kasi mabilang kung ilang hikab na ba ang nagawa ko simula pa noong mga gabi na tina-type ko ang Huling Misa, Okay lang, Pamana, Tulog na, Hele at Isang Pasasalamat. Oo, inspired ang tulang ito sa paghikab ko. Nyahaha. Inaantok man o hindi gagawa pa rin ako ng tula dahil ang pagsusulat ko araw at gabi ay parang pabebe girls, walang makapipigil. *u*

Noon ay kahit maghapong gising,

ang utak ay hindi malambing-lambing.

Ninais kong magsulat ng kahit na ano

para sa mga tao'y may maikuwento.

Tipong kung ano lang ang maisipang isulat

ay paglalaanan na ng oras kahit wala munang pabalat.

Makalipas ang ilang araw, sa pagsusulat ay sandaling liliban.

Ang "produksyon" kasi'y bumagal kasabay ng hikab ng katamaran.

Ngunit ngayo'y sa tulog ay halos mamalimos,

kaunting idlip lang ay ipagpapasalamat na ng lubos.

Ang pagsusulat ng tula'y parte na ngayon ng buhay ko

na para bang kapag nawala ito'y gabi ay 'di na kumpleto.

Sinong makapagsasabi na ang pag-uumpisa ko ulit tumula

ang makapagpaparamdam muli sa akin ng pagiging malaya?

Ang mga pananaw na matagal kong naikubli sa aking buhay

ay unti-unti ng ipinahahayag kasabay ng isang hikab ng tagumpay.

Ngayon ang kaarawan ng aking ika-dalawampu't isang tula.

Inaamin kong pati ako'y nag-aabang sa mga tulang isisilang pa.

Ito ang mga tulang maaaring magmulat, manlibang o maging regalo

sa kung sinuman ang magbabasa, nagbabasa at makababasa nito...

November 20, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon