[94] Panandaliang Ngiti

233 6 0
                                    

[94] Panandaliang Ngiti

Inaalay ko sa: mga ngiting pinagkakait sa mundo.

Napakadilim ngayon ng mundo sa paningin ko.
Matagal na no'ng huli kong nasilip ang liwanag nito.
Ang kinang sa mga mata ko'y nawala na parang bula.
Nawawala na rin ang mga rason ko para maging masaya.

Hindi na maalis ang mga mabibigat na pasanin.
Hindi na kaya pang intindihin ang nangyayari sa paligid.
Lagi na lang tulala, puyat at patuloy na nagagalit sa mundo.
Unti-unti na akong nilalamon ng lungkot at inggit sa mga tao.

Daraan na naman ang mga araw na puno ng kasiyahan.
Pero kasunod naman noon ang mahabang kalungkutan.
Masama bang maging masaya sa buhay kahit saglit?
Sa tuwing tatawa ba ako ay laging luha ang kapalit?

Lilipas muli ang ilang araw, linggo at buwan...
Ganoon pa rin ang sitwasyon ko sa kasalukuyan.
Bakit at paanong nagiging masaya ang ibang tao?
Maling-mali ba ako sa sarili kong pagtingin sa mundo?

Alam kong hindi lang ako ang may dinadala sa buhay.
Bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi ako makasabay?
Mahaharap ko ba lahat nang nakangiti kahit ngayon lang?
Isa, dalawa, tatlo... hindi naman pala ganoon kahirap.

October 27, 2017
Ako'y Tutula by Darloine

Darloine: Naka-dedicate rin ang tulang ito kay Nit. Ang basher/diva/kyot kong kapatid sa Ehe Family. Dahil siya ang nagbigay ng title sa tulang ito na ilang araw kong pinroblema. Thank you, Nit! Hataw na! :>

Ako'y TutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon