[52] Dating gawi

278 4 0
                                    

[52] Dating gawi

Inaalay ko: sa mga panahong lumipas...

Patuloy na umikot ang mundo

habang nakatulala lang ako.

Ilang oras na naman ngayon ang mabilis na lumipas

pero nakapila pa rin ang napakarami kong "bukas".

Sa ilaw ng mga gadgets, mata ko'y sanay na sanay na.

Bukas o sa makalawa siguradong malabo na ang aking mga mata.

Nasasaksihan ko pa nga ba ang napakagandang pagsilay ng araw

o ayos na sa akin ang sayang naidudulot ng mga artipisyal na ilaw?

Naririnig ko pa nga ba ang natural na himig ng kalikasan

o nasanay na ako sa mga tugtuging parang laging nagsisigawan?

Nararamdaman ko pa nga ba ang nadarama ng kapwa ko

o katulad ng iba, manhid at naging bato na rin ang aking puso?

Muli ay nagpakawala na naman ako ng malalim na buntong-hininga,

isang pansamantalang solusyon yata sa kinakaharap na problema.

Tutulala, magbubuntong-hininga, pipikit, mumulat, kukurap...

mga gawaing wala namang maitutulong sa dinaranas na paghihirap.

Ngayon ay ihihinto ko na muna ang pag-oobserba

dahil ang nakalaang oras para roon ay natapos na.

Oras na para tumula ulit gabi-gabi.

Magsulat, tumipa at bumalik na sa dating gawi...

February 21, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now