[50] Lamig

284 4 0
                                    

[50] Lamig

Inaalay ko sa: lamig na dulot ng makapangyarihang hangin na galing sa kung saan. Hahaha. Pero seryoso, ang lamig talaga ngayon. (-w-) Hello, Ako'y Tutula. Na-miss ko magsulat ng tula sa 'yo~ <3 KO talaga ako kapag gabi lalo na ngayong malamig. Whew. Akala ko ba summer? Oh well, climate change. Ang random ko ngayon, kainis. Nahamugan na naman ang bumbunan ko. :3

Sa bawat pag-ihip ng hangin na mayroong kakaibang lamig

ay naghahatid ito ng 'di matatawarang kilig o panginginig.

Ang mga taong binubuo ng isang dosenang hangin sa katawan

ay nakapagtatakang tinitingala at pinupuri pa ng karamihan.

Kinikilig ang ilan dahil sa kanila

habang nakasimangot naman ang iba pa.

Lamig na bunga rin ng atensyong ibinibigay ng mga tao

ang lamig na maaaring ituring na isang pagbabalatkayo.

Isang pagbabalatkayong nagdudulot ng panghihilakbot

sa kung sinumang tumututol sa sistemang baluktot.

Sa milyon-milyong taong kakampi ay sino ang masisisi

kung ngayo'y bulag na sa matamis na ngiti't makakapal na salapi?

Tulad ng direksyon ng hangin ay pabagu-bago na ang kaniyang isip.

Layunin at kahit sariling prinsipyo'y hindi na kaya pang masilip.

Walang pakialam, bato, manhid, o malamig na parang yelo

ang maaaring itawag ngayon sa estado ng kaniyang puso.

Walang kasing ginaw saan mang parte ng mundo.

Walang kasing lamig na pagkatao.

Ngayo'y umihip na naman ang hangin.

Walang pagbabago, tulad ng dati'y malamig pa rin.

February 7, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now