[48] Hanggang dito na lang ba?

322 4 0
                                    

[48] Hanggang dito na lang ba?

Inaalay ko sa: deadline na ako naman mismo ang gumawa na naurong nang naurong. Hindi ko rin kasi alam kung mayroon pa ba akong maidudugtong sa koleksiyong ito pero dahil nandito na naman ako sa harap ng laptop at tumitipa, siguro nga may mga tula pa akong kailangang likhain at ibahagi sa panitikan. Hanggang dito na lang ba ang Ako'y Tutula? Hmm. Let's see. Hehe. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano pa ang mga mangyayari sa hinaharap... Sa ngayon, magpapakalunod na lang muna ulit ako sa mga salita.

Hanggang dito na lang ba?

Liliban na naman ba ako sa pagtipa?

Kahit na alam kong marami pa akong pwedeng ibahagi

sa mga mambabasa kalakip ng ilang bahagi ng aking sarili.

Hanggang dito na lang ba muna ang paglalakbay ko?

Gaano katagal ba akong mawawala sa makulay na mundong ito?

Makakaya ko nga bang muling iwanan

ang lugar kung nasaan ang aking tunay na kaligayahan?

Hanggang kailan nga ba ako magbibitaw ng mga ganitong tanong,

mga tanong na kasing hirap sagutin tulad ng ilang mga bugtong?

Kung maaari lang sanang alisin na kaagad ang isang dosenang rason,

iukit sa kahoy hanggang sa mabulok o isulat sa mga tuyong dahon...

Hanggang dito na lang ba?

Kaya ko bang itigil na muna ang pagtula?

Puso't isip ko'y nagkakasundo sa iisang tugon:

"Hindi. H'wag muna dahil hindi pa ito ang panahon."

Mananatili ba o pansamantalang liliban?

Isang malalim na pag-iisip sa gitna ng katahimikan...

Lumipas na ang ilang minuto at may sagot na ako sa mga tanong...

Ang sagot ko'y kanina pa nakapaloob sa mga naunang saknong.

January 25, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now