[56] Bakit?

310 5 0
                                    

[56] Bakit?

Inaalay ko sa: mga taong parating "Bakit?" ang tanong...

Bakit kahit alam mong mayroon kang mga kaibigan

ay hindi mo pa rin maiwasan ang pakiramdam ng naiiwan?

Bakit kung kailan ang lahat ay maayos na

saka naman darating muli ang mga problema?

Bakit kung kailan may nabuo ka ng isang plano

ay bigla namang darating ang makasisira rito?

Bakit parang madalas ang malas at madalang ang suwerte?

Bakit nawawala na ang mundo sa balanse?

Bakit malayo pa rin ang agwat ng mahirap sa mayaman?

Bakit kakaunti pa rin ang nagmamalasakit sa bayan?

Bakit mas marami na ang gustong sumikat

kaysa sa unti-unti at makabuluhang pagkamulat?

Bakit parang bumaligtad na ang mundo

at ang mga naninirahan na dito'y naging tuso?

Bakit wala na tayong pakialam sa isa't isa?

Mas mahalaga na nga ba ang teknolohiya?

Parang kahapon lang ay masaya ka.

Bakit ngayo'y mukha ay hindi na maipinta?

Bakit hindi mo isigaw ngayon ang iyong mga bulong?

Nang sa gayo'y mabawasan na ang ganitong mga tanong.

March 3, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant