[72] Ganito ako gumawa ng tula

284 7 0
                                    

[72] Ganito ako gumawa ng tula

Inaalay ko sa: remaining 43 hours and 47 minutes sa Daily Time Record ko bilang student assistant.

Status: Walang magawa kaya nagsusulat ng tula. :D

Uupo at tutulala,

mag-iisip ng mga salita.

Pipili ng isang pamagat

saka mag-uumpisang magsulat.

Paulit-ulit na titipa sa keyboard,

magbabasa't tititig na lang sa cursor.

Tatayo, uupo, tatayo, hihiga,

babangon at babalik na sa pagtula.

Mag-uumpisa sa pinakaunang saknong,

lilipat sa pangalawa 'pag walang maidugtong.

Kung wala talaga'y sa gitna naman

o 'di kaya'y uunahin na lang ang hulihan.

Mga taludtod ay pagpapalit-palitin

hanggang sa tugma na ang dapat pagsamahin.

Tatanggalin ang mga sobrang linya,

iipunin at gagamitin naman sa ibang akda.

Ang naisulat ay paulit-ulit na babasahin

upang malaman kung ayos lang sa pandinig.

'Pag natapos na ay babalik na ulit sa pagtulala -

ganito nga, ganito pala, ganito ako gumawa ng tula.

September 26, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now