[96] 21, 6, 3, 5...

239 6 0
                                    

[96] 21, 6, 3, 5...

Inaalay ko: "sa 'yo". :<

Sa dalawampu't isang taon na panananalagi ko sa mundo,
ano-ano na nga ba'ng mga pangarap ang natupad ko?
Sa mga bagay na paulit-ulit at araw-araw kong ginagawa,
alin ba sa mga 'yon ang mapakikinabangan ko sa pagtanda?

Ngayo'y dalawampu't isang taon na at saktong anim na buwan.
Sa puntong ito ng buhay ko, marami na ba 'kong natutuhan?
Nalaman ko na ang ilang sagot pero 'di pa rin malinaw ang lahat.
Dumarami lang ang katanungan at sa karununga'y nagiging salat.

Dalawampu't isang taon, anim na buwan at tatlong linggo...
Mabilis na lumilipas ang panahon ng pamamalagi ko rito.
Hanggang dito na lang ba talaga ako sa kinatatayuan ko ngayon?
Dapat na rin ba akong umasa ng pagbabago sa susunod na taon?

Dalawampu't isang taon... anim na buwan...
tatlong linggo at... saktong limang araw...
Naghihingalo na ako sa pagbibilang pero wala pa rin namang bago.
Hindi ko pa rin alam kung saan na nga ba papunta ang buhay ko.

Masyado nang marami ang nagawang mali ng 'ako' sa kasalukuyan.
Kitang-kita na kahit sa malayo ang masalimuot kong kapalaran.
Higit sa kung sino pa man, may gusto sana akong mapasaya na tao
pero may mukha pa ba akong maihaharap sa nakangiting batang ako?

December 17, 2017
Ako'y Tutula by Darloine

21 years, 6 months, 3 weeks, 5 days...
7,880 days

Darloine: Dear self, I'm sorry.

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now