[83] Hindi sa lahat ng oras...

270 5 3
                                    

[83] Hindi sa lahat ng oras...

Inaalay ko sa: mga taong nakadepende LAGI sa iba. Hangga't maaari, 'wag namang gawing hobby ang pagiging tamad. Please lang.

Bakit ka nga naman magpapakahirap mag-isip ng ideya,

kung meron na palang 'magagandang' nagawa 'yung iba.

Imbes na mag-isip, daraanin na lang sa 'munting usapan',

pero hindi sa lahat ng oras, umuubra ang ganyang paraan.

Hindi ba't nahihirapan kang mag-isip kaya mo 'yon ginawa?

Bakit 'di mo naisip na pinagdaanan din naman 'yon ng iba?

Ano sa tingin mo ang bagay na meron sila na wala sa 'yo?

Sipag, tiyaga at tiwala sa sarili? Oo. Magpakatotoo na tayo.

Hindi sa lahat ng oras, pwede sa ibang tao ang gusto mo.

Hindi sa lahat ng oras, may iintindi sa mga problema mo.

Hindi sa lahat ng oras, pipiliin mo na lang na maging tamad.

Hindi sa lahat ng oras, nasa pagpipilian ang pagiging duwag.

Lahat, may kanya-kanyang kinakaharap na problema.

Nasa tao lang talaga kung paano niya 'yon madadala.

Diskarte lang para makausad at makasabay sa buhay.

Hindi sa lahat ng oras, kailangan mo ng mga aalalay.

Matuto kang kumilos at maghirap dahil 'yon ang kailangan.

'Wag mong hayaang lumipas lahat nang walang natututuhan.

Hindi sa lahat ng oras, may handang tumulong sa 'yo.

Kaya ngayon, sanayin mo nang umasa lang sa sarili mo.

July 27, 2017
Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now