[51] Tricycle

325 4 0
                                    

[51] Tricycle

Inaalay ko sa: mga tricycle drivers na nakausap ko kaninang umaga... Ay, wala pala akong nakausap sa kanila dahil lumipat na ako sa ibang paradahan ng tricycle kasi... Itutula ko na nga lang 'to.

Sasakyan na mayroong tatlong gulong,

umaatras, lumiliko, tumitigil, sumusulong...

Gaano kalayo na kaya ang tinahak nitong daan

at gaano katagal naman ang inilalagi nito sa paradahan?

Araw-araw ay may kanya-kanyang lakad ang mga tao

at araw-araw rin ang pagbuga ng usok ng mga tambutso.

Lahat ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan

maglingkod, makipagkapwa-tao at kahit magreklamo lang.

"Kuya, St. *** po," magalang na wika ng isang babae.

"Oy! St. *** daw! Isa lang!" Pero wala pa ring gustong bumiyahe.

Wala namang masamang ilahad ang sinusunod na "batas".

Kung maayos ang punto'y walang lilitaw na kawawa at pangahas.

Nakatayo habang bitbit ang eco bag na puno ng mga pinamili.

Pabalik-balik ang tingin sa mga drivers habang kausap ang sarili.

Nagpatuloy ang pag-ikot ng mundo at ang mga drivers sa pag-uusap

habang ang babae'y pinili na lang lumayo at tumingin sa mga ulap...

Ang maghapong pamamasada'y kumakain ng malaking oras

at siyang pinagkukunan ng panggastos o 'di kaya'y pambili ng gatas.

Isang hanapbuhay na walang tiyak na suweldo

lalo na kung pinaiiral ang pamimili ng pasahero.

February 8, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now