[13] Pangako

586 8 1
                                    

[13] Pangako

Inaalay ko sa mga: taong madalas makalimot sa kanilang mga pangako. If you know what I mean. Hihi. :3

Hanggang ngayon ay akin pa ring inaasahan

ang pangakong iyong binitiwan.

Alam ko namang madalas na itong nasisira,

ngunit sa iyo naman ay may malaking tiwala.

Sa dami ng nakikilala ninyong tao,

ay 'di ko na inaasahang matatandaan n'yo pa ako.

Sana nama'y noong panahong nagkausap tayo,

ay tanda mo pa rin ang mga sinabi mo.

Kung dati ay kay dali mong lapitan,

ngayon naman kahit anino'y hirap nang mamataan.

Dahil sa iyong mga mabulaklak na salita,

tiwala ko'y unti-unti nang nawawala.

Gaano karami pa bang problema ang makikita sa telebisyon?

Ilan pa ba ang maghihikahos na mga henerasyon?

Ngayong nakaupo ka na sa iyong trono,

nasaan na ang sinasabi mong pagbabago?

Gaano katagal pa ba bago ko ito masaksihan?

Ano nga ba ang maidudulot nito sa mga mamamayan?

Ilan pa ba ang mawawalan ng buhay?

Hanggang kailan nga ba ako maghihintay?

November 12, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now