[70] Pokemon Go

244 5 0
                                    

[70] Pokemon Go

Paalala: Continuation ito noong Pokemon: Gotta Catch 'em All. Ang tulang ito ang magkukuwento ng very short experience ko at ng mga kaibigan ko sa nasabing laro. Kung hindi mo pa rin trip, okay lang. Kung trip mo dahil na-curious ka ulit, okay pa rin. At kung mangangantiyaw ka dahil tungkol pa rin sa Pokemon ang tula ko, bahala ka na lang ulit. Basta hindi talaga si Pikachu ang paborito ko. Gusto mo bang magbigay ako ng clue para malaman mo kung sino? Oo, alam kong wala ka namang paki kaya bahala na lang ako sa buhay ko. Ako na lang ang sasagot sa sarili kong, "Who's that Pokemon?"

(Pagpapatuloy...)

Nakatayo sa tapat ng room habang naghihintay

nang magdesisyong sa "Pokemon World" ay maglakbay.

Binuksan ang SHAREit app para magpapasa ng laro.

Bilang paglilinaw, hindi ako kundi ang kaklase ko.

Nang ma-install ay 'di kaagad na-enjoy ang application

dahil sa mabagal nating internet connection.

Ilang minuto ang dumaan at nag-umpisa nang maglakad

ang buong barkada kahit saan man mapadpad.

Isang Charmander ang nahuli ng may-ari ng cellphone.

Walang kahirap-hirap dahil ibabato lang pala ang Pokeball.

Namangha sa sistema ng paghuli ang buong barkada

hanggang sa magkasundong humuli na ulit ng isa pa.

Patuloy sa paglalakad makahanap lang ng Pokemon

kahit na manginig na dahil sa lamig ng panahon.

Pabalik-balik na sa tapat ng nakasaradong hall

mahuli lang ang isang mailap na Bulbasaur.

Kung makakahuli ako ng isa ay alam ko na sa sarili ko

na iyon na ang una at huli kong laro ng Pokemon Go.

Nang biglang lumabas si Bulbasaur sa 'king kinatatayuan...

Ito lang naman kasi ang gusto ko, isang 'di matatawarang karanasan.

August 18, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Inaalay ko ang tulang ito sa larong Pokemon Go at sa mga naglalaro nito. Isama mo na rin ako sa listahan dahil sa una at huling pagkakataon, nakahuli ako ng masayahing Bulbasaur. (:

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now