[67] Mensahe

276 5 0
                                    

[67] Mensahe

Inaalay ko: sa mga 'mensahe'.

Ano? Sino? Alin? Bakit? Paano? Saan? Ilan? Kailan?

Libu-libong tanong na walang tiyak na kasagutan.

Ano ba ang papel na dapat gampanan ng bawat isa?

Sa mga nakahaing kasagutan ay alin ang mali at tama?

Ang sarili o ang ibang tao, sino ang dapat paniwalaan?

Iisa ang layunin ngunit bakit sa opinyo'y nagpapatayan?

Paano nga ba masusumpungan ang sagot na inaasam,

kung sa nilikhang tanong ay lubos pang naguguluhan?

Saan ang daan patungo sa isang destinasyon?

Ilan dito ang totoo at pawang imahinasyon?

Masagana ang mga ideya ngunit ito'y hindi sapat.

Kailan nga ba magiging maliwanag ang lahat?

Walang katapusan at sunud-sunod pa rin ang mga tanong,

ngunit mabagal at unti-unti naman ang mga sagot sa pag-usbong.

Ang lahat ng bagay sa mundo ay pinipilit na maintindihan,

kaya paulit-ulit ang pagbagabag nito sa napakaraming isipan.

Paano kung dumating ang araw na magsasabing ang katotohanan

ay matagal na rin palang nakalatag sa ating mga harapan?

Sa patuloy na pag-usad ng bawat araw sa mundo ay ilan na nga ba

ang tunay na may alam sa mga mensaheng matagal nang naipadala?

June 1, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now