[79] Payong Kaibigan

461 6 0
                                    

[79] Payong Kaibigan

Inaalay ko sa: mga taong nangangailangan at hindi nangangailangan ng payo. :>

H'wag masyadong umasa para 'di rin masyadong masaktan.

H'wag ipilit ang sarili sa taong inaayawan ka naman.

H'wag na h'wag mag-e-effort sa taong wala namang pakialam.

Kung gano'n siya'y makakaya mo ring h'wag siyang pahalagahan.

Bawasan ang inilalaang oras sa harap ng mga gadgets.

Iwasang bumili ng mga bagay na wala naman sa budget.

Hindi lang sa pagkita ng pera dapat umikot ang iyong mundo,

bigyang-pansin mo rin ang 'yong sarili at ang pamilya mo.

Patuloy mang dumami ang 'yong mga pagkakamali,

lagi ka pa rin sanang magtiwala sa 'yong sarili.

Iwasan ang pag-iisip ng mga negatibong bagay

dahil malabo 'yang makatulong sa 'yong buhay.

H'wag agad-agad manghuhusga ng kapwa-tao.

H'wag magsasalita kung hindi alam ang buong kuwento.

H'wag nang sasagot pa kung makitid ang utak ng kasagutan.

H'wag ipaliwanag ang sarili kung hindi naman kailangan.

H'wag i-post ang lahat ng tungkol sa nangyayari sa buhay mo

nang sa gayon ay limitado lang ang alam ng nang-i-stalk sa 'yo.

Sinulat ko ito ngayon hindi para maggaling-galingan

dahil ang lahat ng ito ay payong kaibigan lamang.

March 11, 2017

Ako'y Tutula by Darloine

Darloine: Credits sa mga fb friends ko sa dummy na puro hugot ang status, sa tv show at published books na tungkol sa kaperahan at practical living, at sa iba pang mga pangyayari sa universe.

Ako'y TutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon