[9] May forever ba o wala?

614 13 1
                                    

[9] May forever ba o wala?

Inaalay ko sa mga: teenager na nagtatanong at sumasagot pa rin hanggang ngayon kung may forever nga ba o wala.

Bukas at sa makalawa ay itatanong na naman niya:

"Ano po ba talaga? May forever ba o wala?"

Kung minsan ang tanong niya'y tamang trip lang,

ngunit madalas ito'y tanong na may mahabang patlang.

"Wala pong forever kasi lahat naman po ng bagay natatapos,"

sagot ng isang teenager ngunit ang rason na ito'y kapos.

"Meron. Nangako kami ng bebe ko na kami na hanggang pagtanda,"

kontra naman ng isang teenager na nagdulot sa nagtanong ng tuwa.

"Ano nga kaya, may forever ba o wala?

Ah! Itatanong ko na lang ulit mamaya."

"Wala pong forever kasi nag-break na kami."

"Meron, h'wag kasing mag-focus sa mga pagkakamali."

Hindi nagtagal ay umiinit nang umiinit ang usapan...

"Kung may forever, bakit maraming kawawa dahil iniiwanan?"

"Hindi sukatan ang forever para sa mga taong biglang nawala."

"Tama! Meron pa rin. Saka 'di naman lahat ng iniiwan, kawawa."

Sa pagsagot nilang muli'y mga kamay ay walang kasing bilis.

Bawat komento sa usapan ay may punto ngunit minsa'y nalilihis.

Isang magiting na nilalang ang agad na umawat at saka nagsalita:

"Itigil n'yo na nga 'yan. Puro kayo forever, aral muna..."

(Itutuloy...)

November 9, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now