[24] Dasal

356 5 0
                                    

[24] Dasal

Inaalay ko sa: mga taong nakalilimot minsan sa tunay na kahalagahan ng salitang "dasal".

Sabi nila, dapat daw magdasal ang tao araw at gabi

ngunit inaamin kong minsan nakalilimutan kong ipaalala ito sa sarili.

Inaamin kong hindi rin naman ako isang relihiyosa

para magbigay ng paalala tungkol dito sa harap ng madla.

Ngunit ako lang kasi'y naguguluhan,

ang salitang "dasal" ba ay paano pinahahalagahan?

Mayroong mga nagsasabi na nagdarasal nga sila

pero 'di mo malaman kung salita lang ba o ginagawa talaga.

Nagdarasal lang sa tuwing masaya

dahil siya'y may natamong isang gantimpala.

O 'di kaya'y nagdarasal lang sa tuwing nagigipit,

dahil hindi na niya alam kung saan kakapit.

Lahat ng ginagawa'y ipinaaalam sa lahat kahit na ang pagdarasal

na para bang ito ay isang bagay na kalaunan ay bibigyan ng parangal.

Kung sakaling malaman ko at ng buong mundo ang bagay na ito,

ano ang maidudulot nito sa akin at sa mga pinagsabihan mo?

Isang paalala lang sana aking kaibigan,

"Siya" ang kausap mo at hindi ang kung sino pa man.

Dahil sa bawat dasal na sinasambit mo

ay naroon din dapat ang paniniwalang mangyayari nga ito.

November 24, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now