[88] 9/4/2017

245 6 0
                                    

[88] 9/4/2017

Inaalay ko sa: date na 9/4/2017. Ito ang isa sa mga pahina ng buhay ko na hinding-hindi ko malilimutan. Grabe lang.

Dear Ako’y Tutula, magkukuwento lang ako sandali.
Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang mga nangyari.
Nag-umpisa lahat sa late na pagpasok ko sa eskwelahan.
Nakahabol na sana sa “pila” pero doon naman nasermunan.

Hindi tugma sa event ngayon sa school ang suot namin.
Wala kami no’ng T-shirt at nasisi na ang dapat na sisihin.
Nagtataka lang ako kung bakit kami lang ‘yong pinagalitan,
kahit halata naman na iba rin ang suot ng karamihan.

Umalis kami sa nasabing pila at hindi na sumama sa parada.
Kapalit man lang ng pag-iwas sa maagang pagkakapahiya.
Umiwas kami sa mga dapat iwasan na parang mga bandido.
Nagtago at nag-usap saka dinaan na lang ang lahat sa biro.

Nang dahil lang sa isang pirasong damit ay nagkagulo-gulo
hanggang sa makwestiyon na rin pati ang aming pagkatao.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga maintindihan.
Ewan ko rin kung bakit may naganap na pagmumurahan.

Masaya sana ang magiging takbo ng isang buong araw
kung hindi lang pinalaki ang isyung ubod ng babaw.
Sino nga namang tao ang gaganda ang buong umaga
kung sasalubungin agad ng malutong na Putang ina!”?

September 23, 2017
Ako'y Tutula by Darloine

Darloine: Halos lahat ng tula sa koleksiyong ito ay personal poems. Kung tumugma man ang ilan sa sitwasyon na kinakaharap n’yo sa buhay, nagkataon lang ang lahat.

Koleksyon ng mga tulang bunga ng kalayaan kong magpahayag ng sarili kong opinyon at damdamin tungkol sa lahat ng nakikita, naririnig, nararamdaman, nalalasahan at naaamoy ko rito sa mundo.

Ako'y tutula...

Masakit maagawan ng sariling pananaw. Masakit malaman na ‘yong pinaghirapan mo, nasa pangalan ng iba. At higit sa lahat, nakakabastos at nakakaubos din ng pasensiya.

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now