[5] Akda

692 15 5
                                    

[5] Akda

Inaalay ko sa: mga manunulat na tinalikuran ako bilang kanilang kaibigan para sa agad-agad na pagkilala ng lahat ng tao sa kanilang minamahal na mga akda. How sweet. :)

Sa dinarami-rami ng akdang nalilikha sa loob ng isang araw,

ay laging may nagnanais mapansin ang gawa niya at 'yon ay ikaw.

Gagawin ang lahat kahit 'yon pa ay "sumigaw" ng ilang beses

sa lahat ng tao upang marinig lang nila ang kaniyang "boses".

Mabait, medyo fc at mabuti ang hangarin sa panitikan noong una,

ngunit nang tumagal sikreto niya'y nabunyag nang 'di sinasadya.

Wala na siyang pakialam kung may magalit,

basta ang mahalaga'y mapagbigyan agad ang ipinipilit.

Para sa kaniya'y laro lang ang lahat pati na ang pakikipagkaibigan

lalong-lalo na sa mga oras ng kaniyang pangangailangan.

Sa pag-abot ng kaniyang pangarap siya'y seryosong-seryoso,

tila sabik na sabik parangalan sa entablado.

Mga "minadaling" akda'y nawalan na lang ngayon ng saysay,

dahil kung ito'y bibisitahin ay 'di kakikitaan ng buhay.

Ang iniwan ay paulit-ulit na nagtatanong sa kaniyang sarili,

sa pagkilatis sa mga kaibiga'y nagkamali nga bang talaga ng pili?

Ngayon, mula sa malayo'y tinitingnan ko siya.

Bakas sa mukha niya na hindi siya masaya.

Ano ba'ng usapin kung ang akdang pinaghirapa'y walang magbasa?

Hindi ba't mas magandang isipin na sa pagsusulat, ikaw ay masaya?

November 6, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now