[41] Bagong Taon

308 4 0
                                    

[41] Bagong Taon

Inaalay ko sa: taong 2016 at sa lahat ng tao na sumalubong o tinulugan ito. Akalain mo nga naman, nag-celebrate pa ang Ako'y Tutula na dapat sana ay hanggang 2015 lang. Hihi. Excited na ako sa mga ipagpapatuloy kong isulat na tula at kuwento at sa mga isusulat ko pa ngayong taon. Write. Write. Write. <3 Happy New Year! :D

Bagong taon, bagong buhay!

Bagong pag-asa at bagong paglalakbay.

Lahat ay may kanya-kanyang paraan ng pagsalubong

sa isang masagana at bagong taon.

Mayroong naghanda ng New Year's resolution

na kadalasan nama'y nagiging isa na lang dekorasyon.

Mayroong ubod ng bait dahil ngayon ay petsa uno.

Isang hakbang daw kuno para sa pagbabago.

Lahat ng tao ngayon ay nagsasaya

at mga mata'y kakikitaan ng bagong pag-asa.

Lahat ay ganadong gumawa ng mga gawain,

'pagkat hindi ngayon ang oras para tamarin.

Pero sandali, maaari bang bigyan ng linaw

ang aking nasasaksihan sa mga ganitong araw?

Kailangan ba talaga laging maghintay ng isang okasyon

para sa pagbabago at pagdedesisyon?

Siguro'y mahirap na talagang baguhin ang nakaugalian

kaya sana man lang ay tapusin ang kung anuman ang inumpisahan.

Isang mapagpala at manigong bagong taon,

nawa'y maging makulay ang ating mga kuwento ngayon.

January 1, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now