[40] Isang Lingon (para sa mga peymus)

289 5 0
                                    

[40] Isang Lingon (para sa mga peymus)

Inaalay ko sa: mga uhh... mga taong 'di na ma-reach. (^~^)7

Minsan, ang sarap ipagsigawan:

"Isang kaway naman po diyan!"

Idol, kahit man lang sana isang kaway.

Hindi naman po kasi ito nakamamatay.

Idol, kahit isang "Hi/Hello" lang masaya na po ako

at mas lalo sigurong masaya itong kaibigan ko.

Idol, 'yung mga messages ko nabasa mo na ba?

Kung oo, masaya ako dahil nadaanan na ito ng iyong mga mata.

Idol, marami rin sana akong tanong sa 'yo

pero baka tulad ng iba masungitan mo rin ako.

Kung may problema ka'y pwede mo naman akong pagsabihan

kahit na alam kong hindi mo naman ako itinuturing na kaibigan.

Idol, alam kong sa buhay mo ngayon ay marami nang nagbago

dahil maraming estranghero't estranghera na ang sa iyo ay umiidolo.

Kahit na nanggugulo lang sila'y kailangan mo pa ring pakisamahan

dahil mayroon ka na ngayong inaalagaang pangalan.

Ngayon ay ayos na siguro ang limang beses na pagtawag ko sa 'yo

ng salitang "idol" sa maikling tula ko sa koleksyong ito.

Sa mga oras na ito ay hindi ko na kailangan ng iyong tugon.

Ang dating buhay mo lang sana ay bigyan ng kahit isang lingon.

December 26, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now