[11] Gahol

466 9 0
                                    

[11] Gahol

Inaalay ko sa mga: taong palaging gahol sa panahon.

Mga ideya sa kaniyang isip ay buhol-buhol na,

dahil kaniyang proyekto'y bukas na ipapasa.

Kaniyang mahigpit na guro'y nagbigay naman ng mahabang palugit

na ipinagwalang-bahala niya lang dahil siya raw ay malupit.

Noon ay kampante pa siya sa mahabang panahon,

ngunit ngayon ay nagsisisi sa pinalipas na pagkakataon.

Siya kasi ay wala pang kahit isang nasisimulan

kaya naman ngayon ay natataranta na sa pasahan.

Ang proyektong isang buwan dapat ginagawa

ay kaniyang inasikaso hanggang muling mag-umaga.

Hanggang kinabukasa'y siya pa rin ay nagkukumahog

para tapusin ang dapat tapusin kahit walang kain at tulog.

Lumipas pa ang kalahating araw at siya ay nagtungo

sa paaralan para magpasa na sa kaniyang guro.

Ayos na sa kaniya ang kahit na anong marka,

basta sa kaniyang mga magulang ay may maipakita.

Nang mga sumunod na araw ay balik sa dati ang lahat,

tila naghihintay na lang sa kaniya-kaniyang "pagtatapat".

Ang kuhaan ng card ay nagdulot sa kaniya ng tensyon,

dahilan para ituring niya ang nangyari na isang leksiyon...

November 10, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaМесто, где живут истории. Откройте их для себя