[36] Kasinungalingan

328 6 0
                                    

[36] Kasinungalingan

Inaalay ko sa: mga bilanggo ng salitang ito.

H'wag kang masyadong magpapaniwala

sa mga bagay na nakikita lang ng iyong mga mata

dahil mahirap nang tukuyin ang katotohanan

lalo na't talamak ngayon ang kasinungalingan.

H'wag kang ring magpapaloko

sa naririnig lamang ng mga tainga mo

dahil maaaring mabago ang mga salita

kapag pinagpasa-pasahan na ng iba.

H'wag kang masyadong magtiwala sa iyong pakiramdam

dahil kung minsan pinaiikot ka lang nito nang hindi mo alam.

Ang katotohanan ngayon ay madali na lamang baguhin

at matutukoy mo lang ito kung pagtutuunan ng pansin.

Marami pang kasinungalingan ngayon ang umuusbong

at nakalulungkot na marami pa ring nahuhulog sa patibong.

Kailan nga ba sila magiging mahusay sa pagkilatis

upang kanilang buhay ay hindi na malihis?

Habang buhay na lamang bang magiging karima-rimarim

ang kanilang pamumuhay na unti-unting nilalamon ng dilim?

Isang katotohanan lang ang hindi mababago rito sa mundo

at ito ang likas na pagiging sinungaling at tuso nito sa mga tao.

December 11, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now