[44] Pamilya

471 9 0
                                    

[44] Pamilya

Inaalay ko sa: aking pamilya. By uhuging Darloine. Pasintabi po.

Malimit o madalas man ang mga nagaganap na alitan

ay hindi pa rin maipagkakailang mas masaya sa isang tahanan.

Mayroon mang mga hindi pagkakaunawaan at sari-saring problema,

pagdadamayan at pagmamalasakit ay 'di kailanman mawawala.

Mababaw o malalim man ang mga natatamong sugat

ay dama rin ito ng kaparehong dugo na nananalaytay sa ugat.

Iwan ka man ng kung sinong nasa buhay mo ngayon,

Asahan mong ang pamilya'y nandiyan sa lahat ng pagkakataon.

Walang karapatan kahit kailan ang mga taong walang alam

na manghusga kung sa tagumpay mo lang sila nagpaparamdam.

Wala rin silang karapatang magsalita ng kung anu-ano

dahil sa apat na sulok ng tahana'y hindi sila ang nakakasama mo.

Magbibigay sila ng komento sa 'yong anyo at kasalukuyang estado

pero ikaw lang ang nakaaalam ng mga bagay na posible at totoo.

Ang mga iniisip nila'y hindi naman talaga mahalaga.

Pasasaan ba't malalaman ng mundo kung sino ang tunay na tanga.

Sobrang dami pa ng mga taong makikilala at bigla na lang tatalikod

at marami pang taong sa lupa'y nais kang makitang mangudngod.

Sa oras ng problema'y sa pamilya lang daw tumakbo at wala ng iba,

at ngayong araw na ito ay napatunayan kong tama nga sila.

January 4, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now