[90] Umagang Puno ng Katangahan

218 6 0
                                    

[90] Umagang Puno ng Katangahan

Inaalay ko sa: mga umagang puno ng... hay. Torture pala kapag paulit-ulit. :<

May klase ngayong umaga kagaya ng dati.
Nag-iisip na naman kung papasok ba o hindi.
Iiwas lang naman talaga sa ilang ulit na sermon.
Sa huli, magtatago na lang ulit sa terror na professor.

Masyadong maaga para sa susunod na subject.
Tatambay muna para magluksa sa naipong projects.
'Pag nagsawa ay mauuwi na naman sa pagtulala.
Mawawalan ng pakialam pati na rin ng pag-asa.

Medyo matutuwa kapag nakakita ng kapareho ng kapalaran.
At doon ay sabay na silang tatambay at tititig sa kawalan.
Magpapalitan ng simpatya sa isa't isa para kumalma.
Tatawa kahit pilit para lang maitago ang problema.

Patuloy na nagmamasid sa mga estudyanteng iba ang kurso.
Muli na namang makararamdam ng kakaibang kirot sa puso.
Hahayaan lang ang sakit na iyon para may mahabing salita.
Magbubuntonghininga bago magsimula sa pagsulat ng tula.

Sa isang blangkong papel ay kinuwento niya ang lahat.
Idinaan na naman niya ang kanyang lungkot sa pagsusulat.
Isa na namang itong panibagong umaga na puno ng katangahan.
At siyang babalikan ng sumulat para magising sa katotohanan.

September 28, 2017
Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon