[15] Huling Misa

392 6 0
                                    

[15] Huling Misa

Inaalay ko sa: "John Lloyd" ng aming barangay. Hi, Father Bong! Salamat po sa lahat. :)

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakahalata,

mga salita sa Bibliya at mga kanta'y iyong dinarama.

Nakayuko lamang ako habang nakikinig,

sa iyong malinaw at maramdaming tinig.

"Ito na ba talaga ang huli?"

'yan ang paulit-ulit kong tanong sa sarili.

Ang katotohanang iyon ay ayoko na munang maisip,

dahil ang misang ito'y nais kong ituring na magandang panaginip.

Iyong pangaral ay tungkol sa katapusan,

isang katotohanan na dapat nang asahan.

Dahil sa bawat pagtatapos na magaganap dito sa mundo,

ay palaging may nakasunod na magandang pagbabago.

Nang malapit ng matapos ang misa ay lalapit sana ako sa inyo,

para makapagpaalam ng maayos at higit sa lahat ay makapagmano.

Pero hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon,

kaya itong munting alaala na lamang ang aking pabaon.

Alam kong ang tulang ito ay hindi sasapat

sa limang taon n'yong pananatili na dapat ipagpasalamat.

Maaaring bukas ay tumigil na sa pagpatak ang aming mga luha.

Kaya naman, Father Bong... hanggang sa muli po nating pagkikita.

November 14, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now