[29] Paano?

343 6 4
                                    

[29] Paano?

Inaalay ko sa mga taong: palaging nagtatanong kung paano.

Paano nila malalaman ang gusto mo

kung hindi mo naman ipahihiwatig ito?

Paano nila madarama ang iyong nararamdaman

kung tukuyin nga ito, ikaw ay nahihirapan?

Paano mo masasabing masaya ka

kung ang puso't isip mo'y ayaw makisama?

Paano titigil ang mga luha sa pagpatak

kung ang sakit naman ay pilit pa ring itinatatak?

Paano ka nga ba magiging masaya

kung lagi ka namang nakadepende sa iba?

Paano makikilala ang totoong ikaw

kung mismong sa sarili ay naliligaw?

Paano na ang pagbabahagi mo ng karanasan

upang magsilbing gabay sa isang magandang kinabukasan?

Paano na ang sarili mong mga pananaw?

Malalaman na lang ba nila ito sa iyong pagpanaw?

Paano na ang pangarap ng mga magulang mo para sa iyo

at paano naman ang pangarap mo para sa sarili mo,

kung abala ka sa mga bagay na wala namang kabuluhan

na malinaw na hindi magdadala sa 'yo sa gusto mong patunguhan?

December 1, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now