[66] Paraiso

276 5 0
                                    

[66] Paraiso

Inaalay ko sa: mundo ng pagsusulat. :)

Nang ang totoong mundo ay malapit na niyang sukuan

ay napunta naman siya sa mundong hindi niya inaasahan.

Ito ang isang mundo na pwedeng magtama ng pagkakamali

at maaari ding makatulong sa pagtuklas ng kaniyang sarili.

Sa iba't ibang lugar ay maaari siyang maglakbay,

matuto at makaranas ng kakaibang pamumuhay.

Sa mundong iyon ay mayroon siyang taglay na mahika

na kaniyang nagagamit sa pamamagitan lang ng mga salita.

Maaari din siyang magtayo roon ng sarili niyang tahanan

dahil posible ang lahat ng bagay na kaniyang maisipan.

Siya ang bida sa kuwento at ang kaaway niya naman ang kontrabida.

Kontrolado niya ang lahat kung kaya't walang makapipigil sa kaniya.

Para sa kaniya ito ay isang paraiso

na sa totoong mundo sa kaniya'y maglalayo.

Isang makulay na mundo ng tula, salawikain, pabula, parabula,

sanaysay, maikling kuwento, alamat, nobela at iba pa.

Lahat ng taong naisin niyang makausap ay kaniyang makahaharap.

Isang napakagandang mundo na tutupad sa kaniyang mga pangarap.

Isang linya lang ang nais niyang sabihin ngayon sa mundo:

"Sa wakas, natagpuan ko na rin ang paraiso".

April 7, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now