[97] Salamat... Patawad

279 6 6
                                    

[97] Salamat... Patawad.

Inaalay ko: sa 'yo, mambabasa.

Pansamantala ko na munang isinasara ang aklat na ito.
Salamat sa oras at interes sa pagbabasa ng mga tula ko.
Hindi pa tapos ang Ako'y Tutula, 'wag kang mag-alala.
Pero sana sa muling pagdagdag ng mga tula'y nandito ka pa.

Masaya akong malaman na may mga nagbabasa ng pinaghirapan ko.
Kahit na binobola mo lang ako sabay hiram ng tula para sa school n'yo.
Paumanhin kung wala akong naisasagot sa iyong simpleng hiling.
Baguhan lang din ako rito kaya hindi ko alam ang dapat na sabihin.

Pero hangga't maaari sana ay ayokong makita ang tula ko sa iba.
Opinyon ko lang naman ang mga nandito kaya ako nagtataka.
Hindi ganito ang inaasahan kong kapalaran ng aking panulat.
Masayang magsulat ng tula, kaya 'wag ka sanang maging tamad.

May mga manunula na tinuturing na hangin ang kanilang mga akda.
Araw-araw silang nagsusulat para magpatuloy sa buhay at makahinga.
Kung kukunin mo sa kanila ang hangin na iyo'y para na rin silang namatay.
Ang puso, mensahe at pagkatao nila na nasa tula'y mawawalan ng saysay.

Salamat... Patawad... Pero hindi lang 'yon ang dahilan kung ba't ako aalis.
Ang direksyon kasi na tinatahak ng koleksyon ay unti-unti nang lumilihis.
Sayang dahil tatlong tula na lang sana ay aabot na ito sa ika-isang daan.
Pero anong magagawa ko kung pati panulat ko'y gusto nang magpaalam?

January 4, 2018
Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now