[81] Gusto kong magsulat pero...

274 6 0
                                    

[81] Gusto kong magsulat pero...

Inaalay ko sa: mga ganitong tipo ng manunulat.

"Gusto kong magsulat pero may writer's block ako."

"Gusto ko rin sana kaya lang hectic ang schedule ko."

"May isusulat sana ako kaso bigla naman akong tinamad."

"Magpo-post na sana ako kaso baka 'di mapansin agad."

"Gusto kong gumawa ng story kaso parang nakakahiya."

"May nagawa na sana ako kaso may kapareho na pala."

"Paano na lang kapag nabasa 'yon ng mga kakilala ko?"

"Ano na lang ang sasabihin nila sa isang taong tulad ko?"

"Gusto kong magsulat pero baka wala namang magbasa."

"Gusto ko rin sana kaso baka pangit na naman ang magawa."

"Gusto kong magsulat pero hindi ko naman alam kung paano."

"Gusto ko na sanang magsulat kaso tinatamad na naman ako."

"Gusto kong magsulat pero gusto ko ring manood ng K-drama."

"Gusto ko sanang magsulat ngayon kaso mamaya na lang pala."

"Gusto kong magsulat pero hindi ako magaling tulad ng idols ko."

"Gusto kong magsulat pero 'di ko alam kung may future ako rito."

Gusto mong magsulat pero lagi ka namang may pag-aalala.

Kailan ka kaya magsusulat dahil gustong-gusto mo talaga?

Gusto mo naman pala pero ano nga bang pumipigil sa 'yo?

Gusto mong magsulat pero... Ano na namang dahilan mo?

March 20, 2017

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now