[69] Pokemon: Gotta Catch 'em All

239 5 0
                                    

[69] Pokemon: Gotta Catch 'em All

Inaalay ko sa: "kakaibang spotlight" na natatanggap ngayon ng sikat na Pokemon anime series dahil sa larong Pokemon Go.

Paalala: Ito ay tula ng isang otaku na itago mo na lang sa pangalang "Darloine". Kung hindi mo trip, okay lang. Kung trip mo dahil curious ka, okay lang din. At kung gusto mong mangantiyaw dahil binanggit ko ang salitang "Pokemon", bahala ka na. Basta h'wag mo lang ipilit na si Pikachu ang paborito ko sa kanila.

Sina Pikachu at Ash Ketchum naman

ang ibibida ko sa 'ting munting kuwentuhan.

"Pokemon" ang pamagat ng palabas nila

na siyang nasubaybayan ko noong ako'y bata pa.

"Pikachu, I choose you!" 'yan ang unang beses

na napanood ko ang Pokemon sa wikang Ingles.

Ngayo'y, "Pikachu, gumamit ka ng thunderbolt!" na.

Noong mag-Tagalog si Ash ay 'di masukat ang aking saya.

Dumoble pa ang saya ko noong nagkaroon ito ng laro,

at doon na nga nauso ang pag-aagawan sa iisang Nintendo.

Ilang versions ang pinagsumikapang tapusin

pero hindi pa rin makumpleto ang mga huhulihin...

Ilang taon na rin pala ang lumipas,

patuloy pa rin ang nasabing palabas.

Hindi lang iyon dahil mayroon pang gumimbal sa mundo,

at iyon ay ang pagsilang ng larong Pokemon Go.

Isang laro na tumupad sa pangarap ng isang fan

na maging Pokemon trainer kahit kunwari lang.

At isang laro na maaaring laruin ng kahit na sino

dahil ito lang naman ang pinagkakaguluhang uso...

(Itutuloy...)

August 18, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaМесто, где живут истории. Откройте их для себя