[87] Seryosong Usapan

251 5 0
                                    

[87] Seryosong Usapan

Inaalay ko sa: kung sino mang nagbabasa nito ngayon. Feel ko magkakaroon pa ‘to ng part 2 pero bahala na muna. Hahaha.

Active na active rin katulad mo ‘yong mga friends mo sa fb.
Kahit mag-logout ka, makikita mo rin sila sa twitter at ig.
May choice ka naman na ‘wag tumingin sa mga litrato.
May choice kang ‘wag mag-isip na buhay nila’y perpekto.

Seryosong usapan, hindi totoo lahat ng bagay sa social media.
Kung totoo man ang iba’y ano namang pakialam mo sa kanila?
May sarili ka namang buhay na dapat pagtuunan ng pansin.
Bakit ‘di ka na lang kumilos at gawin ang dapat na gagawin?

Wala kang obligasyon na i-check lagi ang mga profiles nila
para malaman kung ano na nga bang bagong mga balita.
Hindi mo maiiwasang mainggit sa mga binibida nila sa mundo
pero pwedeng iwasan ang pagkumpara sa buhay na meron kayo.

‘Wag mong saktan at maliitin ang sarili mo dahil mas angat sila.
Seryosong usapan ulit, bawat kuwento ng buhay ay magkakaiba.
‘Wag mong parusahan ang sarili mo dahil naiipit ka sa sitwasyon.
Kung gusto mong umusad, ayusin mo na ang sarili mo ngayon.

I-logout na lahat ng accounts at itabi ang cellphone sa kung saan.
Ang mga pinaplano sa sariling buhay ay dapat nang umpisahan.
Tigilan mo na sana ngayon pa lang ang mainggit sa buhay ng iba
dahil kung ipagpapatuloy mo pa ‘yan ay hindi ka talaga sasaya.

September 9, 2017
Ako'y Tutula by Darloine

Darloine: Pangatlong tula ngayong araw. Minsan lang ‘to kaya lubusin na. Yay! :D

Sana, pwede ko ‘tong idagdag sa wc. Lol.

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now