[43] D.

299 4 0
                                    

[43] D.

Inaalay ko sa: aking mga alaala at sa aking minamahal na pamilya.

Si Mama noon, kung hindi naglalaba ay nagtatahi

upang kumita ng kahit kaunting salapi.

Ngayon naman ay iba na ang kaniyang pinagkakaabalahan,

munti naming tindahan ang kaniyang binabantayan.

Si Papa noon ay isang guwardiya na naging sundalo

na nakaranas ring maging isang mekaniko at bumbero.

Ngayon naman ang atensiyon niya'y nasa mga lupain

at sa sari-saring mga dokumento na dapat asikasuhin.

Si kuya T noon na mayroong mahabang buhok

ang halos araw-araw sa balo'y sumasalok.

Ngayon sa isang eskuwelahan siya'y nagtuturo.

Magtatapos at sa ibang bansa raw ay magtutungo.

Si kuya D noon, ang buhok niya'y nakahawi sa isang tabi

at "emo" ang tingin niya sa kaniyang sarili.

Ngayon ay mayroon na siyang matatag na trabaho

sa isang partikular na bangko.

Ako? Isa akong batang namulat sa loob ng tahanan

sa pamamagitan ng mga bagay na aking nakagisnan.

Ngayon, ako ay isang matino ngunit malokong estudyante

na naghahangad na may magampanan ding mahalagang parte.

January 3, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now