[37] Umay

294 4 0
                                    

[37] Umay

Inaalay ko sa lahat ng: uhh... mga nakakaumay. Basta mga nakakaumay! Umay na umay na kasi ako! Pwe! Kung nauumay ka na rin, apir tayo! At kung hindi ka naman nauumay, ang tibay mo beh.

Umay na umay na umay na ako.

Sa isang buong araw ay wala na bang bago?

Simula sa panonood ng mga palabas sa telebisyon

hanggang sa pagtutunggali ng kabi-kabilang mga istasyon.

Umay na umay na umay na rin ako

sa mga kuwentong pangalan lang ng tao ang binago

at sa mga kuwentong ayaw nang bigyan ng isang makatarungan,

maayos at katanggap-tanggap na katapusan.

Hindi ko alam kung ako lang din ba ang nauumay

sa kaliwa't kanang mga pag-aaway

ng marami at iba't ibang mga tagahanga

ng isang sikat na grupo, tambalan o nag-iisang artista.

Syempre, mawawala ba naman diyan ang politika

na hanggang ngayon ay isyu pa rin ang bulok na sistema?

Sa araw-araw na mga balita, dito ay sila lagi ang laman

na ika-iiling at ikasisigaw mo na lang ng: "Sila na naman?!"

Ilan lang ang mga 'yan sa mga nais kong banggitin

na sa tingin ko ay sapat na para makapag-iwan ng mga isipin.

Sa mga oras na ito ay ilan na rin kaya ang mga nagtataka?

Ikaw, hindi ka pa ba nagsasawa?

December 12, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now