[86] Writing Tips ng Tamad na Writer

249 6 0
                                    

[86] Writing Tips ng Tamad na Writer

Inaalay ko sa: katamaran at kasipagan kong nagtatalo ngayong oras na ‘to. Lol. Ewan. Ito na ang pangalawa kong tula ngayong hapon. Anong nangyayari sa akin? D:

Naubos na naman ang supply ng mga salita.
Automatic na tuloy ang pagtigil sa pagtipa.
Titingin sa bintana para humanap ng inspirasyon.
Matutulala at pagaganahin ulit ang imahinasyon.

Magulo at walang sense ang lahat ng nangyari
kaya babalik na lang ulit sa pagkausap sa sarili.
Hindi na naman bago ang ganitong mga eksena.
Sa writer’s block ay ano nga ba’ng pangontra?

Una, harapin lang ang blangkong MS Word.
‘Wag na ‘wag hihikab kahit bored na bored.
Pangalawa, titigan lang ang kumikindat na linya.
Para mawala siya’y umpisahan na ulit ang pagtipa.

Pangatlo, isulat lang ang kung anong maisipan.
Bahala ka na kung hugot pa ‘yan o kalokohan.
Dumihan mo lang ang papel na iyong kaharap.
Diyan na mababawasan ang iyong paghihirap.

Tumipa ka lang katulad ng pakikipag-chat sa FB.
Isama mo na rin ang mga salitang hindi mo masabi.
Basta ilagay mo sa blangkong papel ang lahat.
Ang mahalaga’y ‘wag kang titigil sa pagsusulat.

September 9, 2017
Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now