[47] Ayawan na

270 5 0
                                    

[47] Ayawan na

Inaalay ko sa: paulit-ulit na mga pangyayari sa isang buong araw...

Sa loob ng isang araw ay mabibilang mo

kung ilan lang ang nagawa mong bagay na produktibo.

Maaaring nakatapos ka na naman ng isang gawain

o 'di kaya'y magkukumahog muna sa mas kailangang tapusin.

Ang ilan ay tapos na ang kani-kanilang takdang-aralin

habang ang iba nama'y marami pang kailangang habulin.

Mas mahaba kasi ang oras ng "pagtambay"

kaysa sa pag-asikaso ng mga bagay-bagay.

Cellphone at computer daw muna bago ang iba pa

hanggang sa sumakit na ang mga mata't wala na namang magawa.

Muli ay mangangako na naman sa mga darating pang mga araw

at aasa sa alapaap na sana'y may himalang lumitaw.

Kaunting kumustahan na mauuwi na sa mahabang kuwentuhan

at simpleng "sandali lang" na aabutin na naman ng uwian.

'Yan. Ganyan na lang palagi ang mga eksena.

Nakakasawa gaya ng ibang mga pelikula.

Mas abala pa ang lahat sa mga bagay na pansamantalang bawal

kaysa sa pagtatrabaho at paggugol ng oras sa pag-aaral.

Palagi na lang ganito. Paulit-ulit. Nakakasawa.

At kung hindi pa magbabago'y, wala. Wala na talaga. Ayawan na.

January 24, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now