[28] Araw at Gabi

370 6 1
                                    

[28] Araw at Gabi

Inaalay ko sa mga: mapayapang araw at gabi na tinatamasa natin ngayon at sa mga taong dahilan nito. Maraming salamat sa "kanila".

Noon, ang bansa'y halos ibaon na sa putik

at hindi na magkaroon ng gabing tahimik.

Mga istruktura na kung hindi wasak ay sunog

ang makikita na dulot ng kabi-kabilang pagsabog.

Ilang libong pagkasa at pagputok ng baril

ang siyang maririnig mula sa kamay ng mga taksil.

Mga nakatatakot na tunog lamang ang siyang umaalingawngaw

sa buong kalupaan hanggang sa muling pagsikat ng araw.

Kasabay ng pagkakasadlak muli sa gabing patuloy ang paglalim

ay ang pagbagsak din ng natitirang pag-asa ng mga bayani sa dilim.

Sinong makapagsasabi na sila'y muling makakikita ng liwanag

mula sa mga kasamahang puno ng pag-asa't may pusong matatag?

Sa wakas, nakaalpas na rin tayo sa kamay ng mga dayuhan.

Salamat sa mga taong may pagmamahal sa ating "tahanan".

Isa na lang bangungot iyon ngayon na kinakailangan nang ikahon

dahil ang mga nangyari'y unti-unti nang niluluma ng panahon.

Ngayon ang handog nila sa atin ay kalayaan

at mga araw at gabi na puno ng kapayapaan.

Matagal ka na rin bang nakapagpasalamat

sa mga taong iyon na kabilang na sa mga alamat?

November 29, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon