[92] Throwback sa Ako'y Tutula

210 6 0
                                    

[92] Throwback sa Ako’y Tutula

Inaalay ko sa: mga tula na nasa koleksyong ito at sa 2015 Darloine na nagsimula ng kalokohang ‘to. Lol.

Noong ikaapat ng Nobyembre taong dalawang libo at lima,
isinapubliko ng isang manunulat ang akdang Ako’y Tutula.
Inumpisahan niya ang koleksyon sa pagsulat ng Writer’s Block.
Iyon lang kasi ang nasa isip niya noon dahil wala siyang maisulat.

Baguhan man sa paghabi ng mga salita’y nagpatuloy pa rin siya.
Pinilit niyang sa isang buong araw ay makatapos ng isang tula.
Makikita sa bawat tula ang kalituhan niya sa “ng” at “nang”,
“din” at “rin”, “daw” at “raw” at kahit na sa “pa lang” at “palang”.

Madaldal siya sa author’s note kahit kausap niya lang ang sarili.
Ito yata ang epekto ng walang makausap tuwing sasapit ang gabi.
Halos araw-araw niyang kaharap ang laptop para lang tumipa.
Sinisiguro niyang sa araw na ‘yon ay may isisilang ulit na tula.

Hanggang Disyembre lang dapat ang nasabing koleksyon.
Hindi niya rin inasahan na aabot pa ito sa sumunod na taon.
Mabilis na lumipas ang panahon at ngayo’y on-going pa rin ito.
Pwede nang tapusin at isara pero sa tingin niya’y ‘di pa ito buo.

Marami pa siyang gustong isulat na tula sa nasabing akda.
Hindi siya titigil hanggang sa kahu-hulihan nitong pahina.
Marami pang mga bagay ang gustong-gusto niyang pag-usapan.
Para sa pagtanda’y babalikan niya lahat ng kanyang natutuhan.

October 13, 2017
Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now