[26] Wattpad

433 8 2
                                    

[26] Wattpad

Dedicated to: all Filipino Wattpad users. English ulit ang title at dedication pero Taglish ang nilalaman. Trip ko lang, para sumaya naman ulit ako. Pampawala ng beast mode ngayong araw. Hay. :3

Ang gabi ng Biyernes at ang mismong araw ng Sabado at Linggo

ay tiyak kong mga panahong hinihintay mo.

Lalo na kung sa totoong mundo ay hindi masaya

kaya naman sa Wattpad ay naghahanap ng magandang mababasa.

Mga kuwentong maghahatid ng kilig at sa iyo ay magpapatili

ang mga nais mong basahin mapa-umaga man o gabi,

o mga kuwentong naglalaro sa iyong malikot na imahinasyon

ang iyong nais dahil ikaw ay dinadala nito sa kakaibang dimensyon.

Mayroon pang mga kuwento na nagpapasakit ng iyong tiyan

dahil sa hinahatid nitong sa 'yong mga katatawanan.

Mayroon din namang kuwentong nagdudulot sa 'yo ng hilakbot

tuwing gabi dahilan upang ikaw ay biglang magtakip ng kumot.

Ngunit mayroon pang iba't ibang kategorya

na naghihintay lang sa 'yo upang ituring kang bisita.

Naisipan mo na rin bang puntahan ang iba pang mundo

upang mamangha at sumaya rin sa angking ganda nito?

"Welcome to Wattpad" ang laging wika nila,

ngunit ang iba'y hindi naman ito madama.

Ang mga tao dito'y mabait ngunit madalas na mababangis

kaya naman 'di na ako nagtataka kung bakit ang iba'y umaalis...

November 26, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now