[39] Videoke

284 5 0
                                    

[39] Videoke

Inaalay ko sa: lahat ng mga videoke na nandito sa Pilipinas at sa mismong nag-imbento nito. Sana nakilala ko siya para tropa kami. Inaalay ko rin ito sa mga pinsan, kaibigan at pamilya ko dahil pinipilit nila akong kumanta diyan ngayong Pasko. Ay ginoo, ba't ako? Tawad po~ \(*-*)/

P.S. Merry Christmas, mga pop egg! Hihi. <3

Sa okasyong tulad ng Pasko ay laging ganito ang kaganapan...

pagkatapos kumain ay iaabot na sa akin ang isang listahan

na naglalaman ng sari-saring pamagat ng mga kanta

na siyang kakantahin sa harap ng maraming pares ng mga mata.

Sa dami ng taong nasa loob ng tahanan

ay bakit ako ang inyong napagdiskitahan?

Pwede namang siya, siya, siya o kaya iyong isa.

Ilang iling pa po ba ang dapat kong magawa?

Sa mga oras na ito ay lubos ang aking pasasalamat

sa mga taong sa nasabing listahan ay walang tigil sa pagbuklat

dahil ang nais ko lang naman ay laging makinig

sa pag-awit ng mga taong may ginintuang tinig.

Kaya sana sa susunod ay lampasan n'yo na po ako

sa pasahan ng listahan ng kanta at ng mikropono.

Hindi naman sa ayaw ko ng mga videoke

pero sa paggamit no'n ay hindi ako komportable.

Halos araw-araw naman ay kumakanta rin ako,

madalas nga lang sa kwarto o sa banyo.

Kaya sa pagkanta sa videoke, ako'y h'wag nang asahan

dahil sinasabi ko na sa inyo, mauuwi lang tayo sa titigan.

December 25, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now