[63] Bokya

268 4 0
                                    

[63] Bokya

Inaalay ko sa: mga taong nabokya. Abangan ang mga bagong kuwento ni Darloine. Abangan ang "Mga Kuwentong Bokya". Abangan din ang iba ko pang gagawing pagpo-promote. Nyahaha. Kaunting silip lang ang tulang ito. :D

Sawing-sawi dahil walang buhay-pag-ibig.

Problemado pa dahil walang pambayad ng tubig.

Ang isa nama'y pinaninindigan pa rin ang pagiging sosyal na maarte

kahit na wala ng laman ang pitaka't putol na ang linya ng kuryente.

Magkukunwari pang nag-iisip,

mayamaya nama'y biglang iidlip.

Kunwari'y nag-aaral, palagi namang nangongopya.

Kung minsan pa'y bokya ang bida sa kaniyang mga marka.

Nakikipagbuno sa kung sinomang maisipan,

makakuha lang ng milyong atensyon at matalo ang kalaban.

Mag-uumpisang muli ng proyektong hindi naman tatapusin,

proyektong ginawa para titigan at hintaying amagin.

Bokya ang inspirasyon

kaya bokya rin ang imahinasyon.

Susubuan ka ng mga bokyang kuwento

hanggang sa mahilo ka na lang pagdating sa dulo.

Bokya. Nganga. Walang-wala.

Walang magawa kaya nakatulala.

Nagpapakalunod sa saya habang nakatambay,

tila naghihintay na lang na maubos ang oras niya sa buhay.

March 10, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now