[59] Saan?

280 5 0
                                    

[59] Saan?

Inaalay ko sa: isang partikular na destinasyon at sa mga taong nalilito pa rin sa pagpili kung saan nga ba sila pupunta. Naisip ko kasing hindi pa rin talaga mawawala 'yung tanong na "Saan?" kahit na napakaraming sagot na ang nailalatag ng ibang tao para sa lahat. May mga nabasa lang kasi ako ngayong araw at medyo na-bother ako dahil doon. (Naks, na-bother.) Ang daldal ko na naman 'no? Hayaan mo na. Hindi ko pa rin kasi talaga maisip kung saan... Hmm.

Saan ba ako pupunta?

Paano ako mag-uumpisa?

Mga hakbang ay kailangan bang planuhin

o idadaan ko na lang lahat sa panalangin?

Saan ako makakahanap ng tulong?

Aabante na ba ako o saglit na uurong?

Makakaya ko nga bang maglakbay mag-isa?

Pero sandali, saan nga ba ako pupunta?

Saan ang pinakamainam na daan,

nang sa gayo'y makarating ako sa 'king patutunguhan?

Tama ba ang daan na tinatahak ko?

Diretso lang ba o kailangan nang lumiko?

Ayos lang ba kung ako'y maligaw?

Siguro naman sa daa'y may sagot na lilitaw...

Saan na ba ako nakarating?

Umusad ba ako o sa umpisa'y nandoon pa rin?

Habang ikaw'y nagtatanong, abala na 'sila' sa napiling destinasyon.

Hindi mo kailangang maghintay ng isang okasyon o inspirasyon.

Humakbang ka kahit magkamali at bumangon kung madapa,

dahil ang mga sagot sa tanong na 'yan ay sa sarili mo rin makukuha.

March 6, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now