[42] Bida at Kontrabida

290 4 0
                                    

[42] Bida at Kontrabida

Inaalay ko: kay father at sa kaniyang homily. Inspired ang tulang ito sa mga sinabi niya kanina. Thank you father! :D

Hindi mabubuo ang isang kuwento kung walang bida

at hindi magiging maganda ang takbo nito kung walang kontrabida.

Nandiyan ang mga araw na kapag nagkikita'y biglang uusok sa galit

dahilan para ang maganda o guwapong mukha'y pumangit.

Inis o galit na nag-umpisa dahil sa isang alitan

at 'di nagtagal ay nauwi na sa pagsusumpaan.

Wika ng isa'y: "Mamatay ka na!"

Habang ang isa'y sasagot ng: "Mauna ka!"

Kung susuriin ito ay hindi kanais-nais malaman

ngunit ito'y tila normal na sa kasalukuyan.

Ang bida at kontrabida ay walang tigil sa pagpapalitan ng mga salita

at kung hihintayin itong humupa ay mamumuti lang ang mga mata.

Siguro sa paglipas ng panahon ay maaari nang igawad

ang kapayapaan ng puso't isip gawa ng pagpapatawad.

Ngunit sa ngayo'y mayroon pa itong malaking parteng gagampanan

na magtuturo naman ng mga bagay na dapat na matutuhan.

Sino nga ba ang dapat na ituring na bida o kontrabida?

Sa dulo ba ng kuwento'y kakikitaan na ng pagkakaisa?

Ngayon ay oras na para tayo naman ay magnilay-nilay

at tukuyin kung sino ba dapat ang bida't kontrabida ng ating buhay.

January 2, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now