[46] Uwian na

282 4 0
                                    

[46] Uwian na

Inaalay ko sa: mga estudyanteng favorite ang uwian sa kanilang schedule. *u*

-Darloine's note-

(Ngayon lang nagkaganito. 2016 e. Hahaha.)

Makalipas ang ilang linggo kong pagpapahinga sa pagsulat ng tula, heto ako ngayon at muling nagsusulat dahil sa inspirasyong naibigay sa akin ng sulat ni Ñoño kay Ñimpha. (Jojo kay Nympha) Nyahaha! Sana, someday ma-meet ko ang author ng tulang iyon... At sana, may kopya pa rin siya noong sagot ni Ñimpha para lalong masaya dahil hanggang ngayon hindi ko mapigilang ngumiti at tumawa!

Short message for him/her: Good job! (^~^)9

P.S. Salute and thumbs up sa mga taong nasa likod ng siyam na libro ng "Kulay".

Matapos ang maghapong pakikipagbakbakan

sa mga asignaturang itinuturo sa paaralan,

ang mga magkakaibigan ay awtomatikong tatayo,

magyayayaan at saka lamang aayusin ang mga bangko.

Ang iba'y nagpapahuli sa paglabas ng silid dahil ayaw makigulo

sa mga kaklaseng nag-uunahang lumabas sa nakabukas na pinto.

Animo'y mga batang takot na bigla na lamang makulong

sa loob ng silid ng walang mahihingian ng tulong.

Sa paglabas ng silid ay makikita mo ang iba't ibang grupo

ng mga estudyanteng matutukoy sa kanilang mga ugali o talino,

mga estudyanteng matibay na rin ang pagkakaibigan

at mga magkakaibigan lang sa oras ng pangangailangan.

Hindi maaaring mawala ang sari-sari nilang mga kuwentuhan

tungkol sa pasado't bagsak na quiz o exam at pati na mga biruan.

Habang naglalakad ay 'di pa rin nila mapigilan ang mga bunganga

sa pag-uusap ng mga bagay na nangyari, napakinggan o nakita.

Sa wakas! Tapos na naman ang isang araw sa loob ng silid-aralan.

Panibagong araw na ulit bukas para sa mga kalokohan at kaalaman.

Kahit kaunting oras lang ay isantabi na muna ang mga problema

ngumiti, tumawa o kumalma dahil sa wakas... uwian na.

January 19, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang