[34] Mga Pag-asa ng Bayan

426 6 0
                                    

[34] Mga Pag-asa ng Bayan

Inaalay ko sa: mga pag-asa ng bayan...

Simula pa noong ako ay isang bata

ay pamilyar na ako sa isang sikat na sikat na linya:

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,"

na ngayon ay taliwas na base sa aking mga nasasaksihan.

Mayroong mga kabataan na ang araw ay hindi kumpleto

hangga't hindi nakahihithit kahit isang stick ng sigarilyo.

Mayroon namang mga kabataan na parang manok na putak ng putak

kapag dinala na sa utak ang impluwensiya ng ininom na alak.

Mayroong kabataan na walang habas kung sumagot sa magulang

at kahit sa ibang tao'y hindi kakikitaan ng kakaunting paggalang.

Mayroon pang mga kabataan na nilulunod ang sarili sa kahalayan

na dinadamay pa ang mga taong dito'y walang sapat na kamalayan.

Hindi pa tapos ang listahan dahil mayroon pang mga pasikat,

animo'y isang kagiliw-giliw na taong dapat palakpakan ng lahat.

Mayroon pang tinatamad at natatakot harapin ang totoong mundo

kaya sa mga mamahaling gadgets, maghapon na lang na nakayuko.

Mga tinutukoy na tao sa sikat na linya ay saan nga ba matatagpuan?

Nasaan na nga ba ang mga pag-asa ng bayan?

Ilang beses pa bang mababalewala ang linyang ito?

At sa muling pagsambit ba nito'y muli na naman bang mabibigo?

December 6, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now